Tuesday, March 2, 2010

Room 5003

Ouch!! yan ang masasabi ko..super sakit kase ng kamay ko sa dami ng tusok. Pano ba naman di maikabit ang lintek na dextrose.

February 27, right after Stephen's b-day, I was scheduled to undergone D&C procedure.. nakakatakot pakinggan, pero infairness wala akong naramdaman :)

I was confined for 2 days in Marikina Valley Hospital. Syempre, napakatagal ng proseso bago ako ma-admit kahit na may admitting slip naman from the doctor.

At yun nga..3pm kami dumating don, naiakyat ako a room ko ng 5pm. tagal db?...


At syempre, di ako sa ER kinabitan ng IV..so pagpasok ko ng room, andyan na ang mga nurse para ikabit ang IV ko. Di sila makakita ng ugat sa kanay ko, kaya hirap na hirap silang magkabit ng IV. nakadalawang subok na pero la pa rin..nakakaiyak ang sakit :(

6:30pm, ng may kumatok sa kwarto ko, un na pla ung maghahatid sa kin sa OR..nyi..kinakabahan ako, pero di ko nlng pinahalata. galing ng nurse sa OR,,naikaibit nya ung dextrose ko, hehe


Pagkakabit ng dextrose, dinala na ko sa isa sa mga kwarto sa OR, at don habang nakahiga ako, chinika ako ng mga nurses at anesthesiologist. Bait nila grabe. Lalo na ung anesthesiologist. At un nga, tinurukan nako ng pampatulog, pero pinilit kong di makatulog kahit liku-liko na paningin ko,, hehe

Ang masakit na part, ung pagturok ng anesthesia sa skeleton, sa lower back. ang sakit,, nakailang tusok sila :(

at yun nga..wala nakong namalayan, hahaha.

After 30 minutes yta, natapos na ung procedure, ang bilis, so eto na po ang matagal na paghihintay sa recovery room.

Sa recovery room, sumakit ung braso ko sa nakakabit na pang BP, ang ganda ha, automatic, hehe kusang mag checheck ng BP at tutunog kung malakas hehe.

Nakakasulasok din ung oxygen na nakakabit sa kin, pero nakatulong sya kase medyo prng kinakapos ako ng hininga.

11pm nako nakabalik ng room....at pagdating ko, bawala pa tumayo at umupo, so hanggang 6am nakahiga lng ako :(

ang tagapagbantay

...and the rest is history....

No comments:

Post a Comment