Sunday, March 7, 2010

Bongacious

At eto na nga..tapos na ang 5 days Sick Leave ko. Back to reality. Pero teka, bago ako bumalik sa buhay call center, balikan muna natin ang mga nangyari sa 5 days vacation ko.


1. Naloka ako sa kakulitan ng anak ko. Di ko akalain na ganon na pla sya kakulit at kalikot. Takbo ron, takbo rito. Pero sabi nga nila, ganon talaga, lalo na sa edad nya, kalikutan daw. Pero minsan napipikon ako, napapalo ko sya :( pero after ko paluin naaawa naman ako.

Magagawa mo bang magalit dito?



2. Nasanay na akong maligo ng tanghali, hehe. Dati kase laging gabi ako kung maligo.

3. Nakabisado ko na ang dramarama sa hapon.

4. Nakabisado ko na ang lahat ng cartoons na pinapanood ni Andrei


Mickey Mouse Clubhouse

Bago magsimula, kailangan mo munang sabihin ang Magic Word...Ito ay ang "mishka muska mickey mouse", after non unti-unti ng lalabas ang bahay ni Mickey Mouse at ipapakilala na rin ang mga characters.

At pano ko ba makakalimutan ang isa pang magic word, "oh toodles" na parang bag ni Dora, kung ano -anong laman na makakatulong sa adventures nila Mickey Mouse. Ang pinagkaiba lng, hindi sya bag, hehe, korteng ulo ni Mickey Mouse na bigla-biglang sumusulpot pag tinatawag ni Mickey Mouse.

Pano ko rin ba makakalimutan ang Hotdog Song after ng adventure nila?

Hot dog, hot dog, hot diggety dog
Now we got ears, it's time for cheers

Hot dog, hot dog, the problem's solved
Hot dog, hot dog, hot diggety dog

Hot dog, hot dog, hot diggety dog
It's a brand new day
Get off that log
Get up, stretch out, jump like a frog

Hot dog, hot dog, hot diggety dog
Hot dog, hot dog, hot diggety dog
We're splitting the scene
We're full of beans

So long for now from Mickey Mouse (That's me!)
And the Mickey Mouse Clubhouse



Handy Manny
Nakakatuwa, mukha kase syang bata, pero hinde hehe. Naguguluhan lng ako kung bakit
minsan wala si "flicker", ung flashlight?


My Friends Tigger and Pooh

Bakit kaya girl ung kasama nila Winnie na bata. Di ba dapat si Christopher Robin? Eniweiz, minsan tinatamad si Andrei panoorin toh, pinapanood lng nya pag wala ng choice. Hehe.

Pocoyo

Ang cute- cute ni Pocoyo. Kahit di sila nagsasalita ng mga friends nyang sina Pato (duck), Elly (Pink elephant) and Sleepy Bird (teal-coloured bird). Nakakatulong daw to sa preschool education, so good for Andrei :)

Jojo's Circus

Ang pinakagusto ko dito, pag Spotlight Moment na nya. Ung mga sinasabi nya ung mga things that he'd learned or something like that.

Dibo The Gift Dragon

Akala ko kung ano ung kinakanta ni Andrei na "Didibongding Dibo Diboding" haha, kaaliw. Theme song pla un ni Dibo, isang friendly purple dinosaur. LOL


5. Sabay naming napanood ni Andrei ang pilot episode ng Jungle Junction. Sad to say, di nya gaanong type.


6. Kumakain ako ng 3-times a day (bukod pa ung meryenda). Dati kase breakfast and dinner lng. Tulog kse ako pag lunch time :D


7. 8pm pa lng tulog nako. Haha, goodluck sa kin pagbalik ko sa trabaho :(


8. Naaasikaso ko si Andrei, kaso lng syempre, limited pa ung pwede kong gawin, like, di ko pa sya pedeng kargahin, mga ganon.


9. 1 week akong naka daster. Ngayon ko lng ulit nagawa un. Nung una kong ginawa un nung preggy ako.

10. Ang saya-saya ko :D


Yan nga. Ung iba di ko na ilalagay, masyado ng marami eh. Sana magbakasyon ulit ako. Pero ayoko ng Sick Leave. Gusto ko bonggang Vacation Leave :D

No comments:

Post a Comment