
Ang bilis naman....wala pang isang buwan, ang laki na ng ipinayat nya. Ang dating mapipintog nyang binti at braso ngayon ang payat na.
Minsan, sinubukan kong hawakan ang binti nya, ang dating puro laman, ngayon ay buto ang makakapa mo. Bukod pa ang tuyo't nyang balat at medyo laylay na balat.
Gustong tumulo ng luha ko pag nakikita ko syang nahihirapan. Ang dating punong-puno ng buhay na mukha, ngayon ay puro ngiwi dahil sa sakit na nararamdaman nya. Hindi ko alam kung bakit sya pa, sya na hindi naman nagpabaya sa sarili. Oo, cge sabhin na nating minsan ay napabayaan nya sarili nya, pero dahil un sa pag aasikaso nya sa ibang tao. Pag aasikaso nya s pamilya nya at sa pamilya ng mga mahal nya sa buhay.
Alam kong wala akong karapatang magtanong kung bakit sya. Pero ang hiling ko lng, wag Mo po syang pahirapan. Puro hirap na ang naranasan nya sa buhay nya. Simula kapanganakan hanggang magkapamilya sya.
Sana naman po makaramdam sya ng kaginhawaan. Salamat po.

No comments:
Post a Comment